^

Metro

Naglilimos, bawal yan!- NCRPO

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Naglilimos, bawal yan!- NCRPO
Sinabi ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar na mayroong umiiral na batas ukol dito at ito ay ang anti-mendicancy law.
Ernie Peñaredondo

Sa ilalim ng anti-mendicancy law

MANILA, Philippines — Mariing nagbabala ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko sa pagbibigay ng limos.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar na mayroong umiiral na batas ukol dito at ito ay ang anti-mendicancy law.

Sa ilalim ng nasabing batas ay may katapat na parusa ang mga magbibigay ng limos.

“May batas po tayo sa mga ganyang insidente, yung mismong  nagbibigay po ang mananagot o may kasalanan kaya dapat po ay malaman ito ng ating mga kababayan na bawal po ang magbigay ng limos,” pahayag ni Eleazar.

Sinabi pa ni Eleazar na layon ng batas na ito na maiwasan ang pagkalat ng mga namamalimos sa kalsada.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang NCRPO sa mga barangay at iba pang ahensya ng pamahalaan para mailigtas ang mga kabataan na nanlilimos sa lansangan na maaaring maging peligro sa kanilang buhay. 

Ayon sa DSWD ang palaging pagbibigay ng limos sa mga bata ay nakakasama dahil sa nabubuo sa kanilang isipan ang hinala na di na kailangang mag-aral o magtrabaho para kumita, hanggang sa ito ay tuluyan nang maging kultura.

Inaalam din ng NCRPO kung may mga kumikilos na sindikato na gumagamit ng mga kabataan para mamalimos lalu na ngayong Kapaskuhan. 

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with