Presyo ng gasolina muling tataas!
Matapos ang 8 rollback
MANILA, Philippines — Nagtapos sa walo ang sunud-sunod na rolbak sa presyo ng gasolina dahil sa inaasahang pagtataas nito sa papasok na linggo habang bahagya namang bababa ang presyo ng diesel at kerosene.
Sa pagtataya ng mga energy industry experts, nasa P.40-P.50 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.
Bunsod umano ito ng desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at bansang Russia na bawasan ng mahigit sa 1 trilyong bariles ang produksyon ng langis.
Sa kabila nito, inaasahan naman na bababa mula P.10 hanggang P15 sentimos ang kada litro ng diesel at P.40 hanggang P.50 sentimos sa kada litro naman ng kerosene.
Ayon pa sa mga eksperto, maliit pa lamang ang inisyal na pagtataas ng presyo ng gasolina dahil sa inaasahan na mararamdaman ang buong epekto nito sa merkado ng petrolyo sa buong mundo sa susunod pang linggo.
Sasabay rin ang inaasahang oil price hike sa dagdag na P3 sa kada litro ng mga produktong petrolyo sa implementasyon ng ikalawang sigwada ng excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest