^

Metro

5 miyembro ng ‘Dugo-dugo’ gang tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 miyembro ng ‘Dugo-dugo’ gang tiklo
Dahilan sa mabulaklak na pananalita ni Harold ay binili ni Barit ang singsing sa halagang P15,000.00 mula sa suspect na nagmamadaling umalis lulan ng kulay pulang Toyota Vios.

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng   ‘Dugo-dugo’ gang ang nasa­kote ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang ope­rasyon kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nasa­koteng suspect na sina Diane Crisostomo, 36; Jhen Sanchez, 30; Bernadeth de Guzman, 35; Melvin Pacia, 30; pawang ng Caloocan City at Julieta Joseph, 42  ng Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon nitong nakalipas na Disyembre 5  habang abala sa kaniyang motor shop si Robert Barit, 36, ng Novaliches, Quezon City nang lapitan ng isang alyas Harold at alukin ng gintong singsing na umano’y may diyamante.

Dahilan sa mabulaklak na pananalita ni Harold ay binili ni Barit ang singsing sa halagang P15,000.00 mula sa suspect na nagmamadaling umalis lulan ng kulay pulang Toyota Vios.

Gayunman nang ipasuri sa pawnshop ay nadiskubre ni Barit na nalinlang siya ng suspek dahilan peke ang diyamante sa nasabing tansong singsing.

Bandang alas-6 ng uma-ga kamakalawa ng ireport ni  Barit ang insidente sa Station 4 ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Rossel Cejas.

Samantalang muling nag­punta sa motorshop ng biktima ang suspect dakong alas-9 ng umaga kamaka-lawa at nag-aalok naman ng isang umano’y Rolex na relo sa halagang P30,000.00 kung saan nagkasundo ang mga itong magkita sa isang grocery store sa Monumento, Caloocan City.

 Doon na muling nagtungo sa pulisya ang biktima kung saan inihanda ang entrapment operation.

Dakong alas-11:30 ng tanghali, binigyan ng ins-truksyon ni Harold si Barit na magtungo sa Maria Clara Street sa Caloocan Sanchez na sinabing ang relong Rolex ay ibibigay sa kaniya ni Sanchez.

Samantalang matapos  mag-abutan ng pera at uma-no’y Rolex ay dito na inaresto ng mga nakaposteng ope-ratiba ng pulisya si Sanchez  at mga kasamahan nito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang sari-saring uri ng mga relo, umano’y mga diyamante, gintong hikaw, mga bracelets, limang umano’y diyamanteng hikaw, 12 cell phones, land titles, P75,000 cash at Yellow page tele­phone directory.

Sa interogasyon ay inamin naman ng mga suspect na miyembro sila ng ‘Dugo-dugo’ gang na nag-ooperate sa Metro Manila.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with