Dimple Star bus, tuluyan nang tinanggalan ng prangkisa

Ito ay makaraang kanselahin nang tuluyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 11 prangkisa na sumasakop sa 118 bus units ng kompanya.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi na maaaring makabiyahe pa ang may 118 bus units ng Dimple Star bus na may rutang San Jose, Occidental Mindoro papuntang Metro Manila at vice versa.

Ito ay makaraang kanselahin nang tuluyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 11 prangkisa na sumasakop sa 118 bus units ng kompanya.

Makaraan ang mahabang deliberasyon ng LTFRB board, nagdesisyon na ang ahensiya na pawalang bisa ang franchise ng Dimple Star bus dahil sa paulit -ulit na kinasasangkutang aksidente na ang pinakahuli  ay noong Marso  2018 nang mahulog sa bangin ang isang unit nito sa may Sablayan Occidental Mindoro na may 19 katao ang namatay at nasugatan ang may 21 iba pang pasahero nito.

“We are cancelling the franchise of the entire fleet of Dimple Star because of repetitive recklessness in their transport service. One death is already one too many,” pahayag ni Delgra.

Bago ang revocation ng Dimple Star franchise ay isinailalim muna ang buong fleet sa 30 araw na preventive suspension na karaniwang ginagawa ng LTFRB sa mga naaaksidenteng mga pampasaherong bus.

Ang Dimple Star bus ay nasangkot na din sa walong vehicular accident mula 2011 hanggang 2018 na may 25 katao ang namatay at 134 ang nasugatan.

Show comments