Otis Bridge binuksan na!

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, na nagagagalak siya sa mabilis na pagkakumpuni ng tulay na umabot din ng 5 buwan pero bago sumapit ang Pasko ay mapapakinabangan na ito ng mga motorista.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon sa motorista ng Department of Public Works and Highways ang bagong kumpuning tulay, Otis Bridge na pinatibay at pinaluwag sa kahabaan ng PM Guazon Street, Paco, Manila.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, na nagagagalak siya sa mabilis na pagkakumpuni ng tulay na umabot din ng 5 buwan pero bago sumapit ang Pasko ay mapapakinabangan na ito ng mga motorista.

Matatandaan na ang Otis Bridge ay nasa 50 taon kung saan ito ay nag-collapse noong buwan ng Pebrero matapos dumaan ang isang heavy truck wheeler sa lugar na naging dahilan ng pagsarado sa tulay para di na ito makapahamak pa ng mga motorista.

May apat hanggang anim na lane ang Otis bridge at may maximum na bigat na kayang kargahin mula 15 tons dinagdagan hanggang 20 tons.

Inaasahan din na hindi na magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa Osmeña Highway, Quirino Avenue,at United Nations Avenue. 

Magsisilbi din itong  link ng mga sasakyan na nagtutungo sa South Manila at North Manila gayundin ang Quezon, Caloocan at Mandaluyong.

Ang konstruksiyon ng Otis Bridge Reconstruction ay nagkakahalaga ng P33.58 million na isinagawa ng DPWH South Manila District Engineering Office (SMDEO) at DPWH National Capital Region sa ilalim ng superbisyon ni  DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro.

Show comments