Brgy. Officials sinanay sa counter insurgency
MANILA, Philippines — Sinanay sa security orientation on counter terrorism measures ang mga barangay officials ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito upang maagapan ang anumang karahasan at insidente.
Sa panayam kay Manila City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz mas kailangan ngayon ng mga barangay officials ang tamang paraan upang maagapan ang gulo sa kanilang barangay at iba pang insidente.
Giit naman ni MPD Director Sr. Supt. Vicente Danao, buong taon maaaring ipatupad ng mga barangay officials ang counter terrorism upang matiyak na walang gulo anumang karahasan ang mangyayari sa kanilang nasasakupan.
Paliwanag ni Danao, maaari rin itong gawin sa paghahanda sa Traslacion sa kapistahan ng Quiapo sa darating na Enero kung saan milyong deboto ang dapat na bigyan ng seguridad taun-taon.
Bagamat wala aniyang natatanggap na seryosong banta sa Maynila ngunit kailangan pa rin maghanda at di maiaalis ang posibilidad na may mga interesado pa ring manggulo lalo pa’t milyon ang debotong sumasama sa Traslacion.
Sinabi pa ni Danao na kanilang ipapatupad ang “stop, freeze and search” sa mga indibidwal na mapapansing kakaiba ang kilos.
Nanawagan naman si Danao sa mga barangay na makipagtulungan dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa mga otoridad.
- Latest