^

Metro

5 araw na truck holiday nagsimula na!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 araw na truck holiday nagsimula na!
Maluwag na daloy ng trapiko ang nasumpungan sa may Osmeña Highway sa magkabilang bahagi dahil na rin sa limang araw na truck holidays na nagsimula na kahapon.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Kapansin-pansin ang maluwag na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Maynila makaraang simulan na kahapon ang ikinasang 5-araw na truck holiday bilang protesta sa plano ng gobyernong i-phase out ang mga lumang truck at hindi maresolbang port congestion.

Nasa 100 truck ang nakiisa sa truck holiday, na ikinasa ng Alliance of Philippine Brokers and Truckers Association (APBTA) kahapon.

Hindi nila pinatakbo ang mga truck mula sa Port of Manila upang ipakita ang kanilang pagtutol sa planong phase out ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lumang truck at pagkondena sa pagkabigo ng pamahalaan na matugunan ang port congestion, na nagdudulot anila ng pagkaantala sa paglalabas ng mga kargamento na galing sa ibang bansa.

Isang caravan ang isina­gawa kahapon mga natu­rang truck na umikot sa Road 10 sa Tondo, Maynila .

Kabilang din sa pagpapakita ng pagtutol ang hindi paglalabas ng mga truck mula sa mga garahe at ang ilang customs broker na kanselado ang lahat ng transaksiyon.

Sinabi ng isa sa  lider ng grupo na si Teddy Gervacio, gusto nilang makipagdayalogo sa pamahalaan para masolusyunan ang kanilang hinaing.

Sinabi ni Gervacio na aabot sa 200,000 truck ang maiba-ban sa kalye kung itutuloy ng pamahalaan ang planong phaseout sa mga lumang truck at libu-libo ring driver at pahinante nila ang mawawalan ng hanapbuhay, kung saan mas apektado lamang ang maliliit na ­trucking companies kumpara sa dayuhang kompanya.  

TRUCK HOLIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with