Rollback uli sa petrolyo

Ang oil price rollback ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, ­Flying V, Total, CPI (Caltex), Petron Corporation, at PTT Philippines.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa ikaanim na pagkakataon ay muli na namang nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong araw ng Martes.

Ang oil price rollback ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, ­Flying V, Total, CPI (Caltex), Petron Corporation, at PTT Philippines.

Nagtapyas ito ng  P1.25  sa kada litro ng gasolina, P1.10 kada litro ng diesel at P0.80 kada litro ng kerosene epektibo ng  alas-6:00  ng umaga.

Una nang nagpatupad ng oil price  rollback ang  Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Seaoil at Unioil sa kahalintulad na halaga.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga oil companies, na P2.30 kada litro ng gasolina, P2.00 kada litro ng diesel at P1.85 kada litro ng kerosene.

Show comments