MANILA, Philippines — Naglabas na ng traffic advisory ang Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) kaugnay sa state visit ni Chinese President Xi Jinping ngayon.
Ayon sa advisory, dakong alas-6 ng umaga ngayon, Nobyembre 20 ay sarado na ang north at southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.
Sarado rin ang north at southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive at east at westbound lane ng P. Burgos mula Lagusnilad hanggang Roxas Blvd.
Isasara rin sa mga motorista ang East at westbound lane ng Finance Rd. mula Taft Ave. hanggang P. Burgos.
Gayundin ang east at westbound lane ng Kalaw mula MH del Pilar hanggang Roxas Blvd., at east at westbound lane ng Pres. Quirino Ave. mula MH del Pilar hanggang Roxas Blvd.
Maaari namang bumagtas ang lahat ng behikulo mula northern part ng Manila na nais dumaan sa Roxas Blvd. southbound lane sa A. Soriano, diretso sa Magallanes Drive kanan sa P. Burgos diretso sa Lagusnilad (Taft Avenue) hanggang sa kanilang destinasyon.
Lahat naman ng sasakyan mula sa FB Harrison ay dapat kumanan sa P. Ocampo o dumiretso sa Mabini hanggang marating ang kanilang patutunguhan.
Lahat naman ng sasakyan mula sa tatlong (3) tulay gaya ng Jones, Mc Arthur at Quezon bridge patungong Roxas Blvd via P. Burgos ay kailangang dumiretso sa Taft Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.
Diretso sa Raxabago, Capulong hanggang sa kanilang pupuntahan.
Simula naman alas-3:15 ng hapon ngayon ay lock down na ang buong Luneta para sa wreath laying ceremony sa Rizal Park.
Samantala, sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Maynila ngayon kasunod ng suspensiyon ng klase ni Manila Mayor Joseph Estrada.