^

Metro

6,000 babaeng studes tuturukan ng bakuna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
6,000 babaeng studes  tuturukan ng bakuna
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na maagang Christmas gift nila sa mga kabataang babae ng lungsod ang pagbabakuna ng “human papillomavirus (HPV)” na natukoy na nagi­ging sanhi ng kanser sa cervix.

MANILA, Philippines —  Aabot sa 6,000 kabataang mag-aaral na babae ang nakatakdang bigyan ng bakuna laban sa cervical cancer na ikalawang sanhi ng kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas.

 Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na maagang Christmas gift nila sa mga kabataang babae ng lungsod ang pagbabakuna ng “human papillomavirus (HPV)” na natukoy na nagi­ging sanhi ng kanser sa cervix.

 Ayon sa World Health Organization (WHO), ang cervical cancer ang pinakamadalas tumama sa mga Pinay na nasa 15-44 taong gulang.

Ang mga benepisyaryo sa libreng bakuna ay may edad 9-14 buhat sa 23 pa­aralan sa lungsod. Inisyal nang nabigyan ng bakuna ang 15 Grade 4 students sa tulong ng Department of Health.

Ito umano ang unang “vaccination drive” sa National Capital Region (NCR) para sa naturang uri ng  sakit.

CERVICAL CANCER

VACCINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with