MANILA, Philippines — Arestado ang isang 67-anyos na kandidato sa pagka-konsehal sa ika-4 na distrito sa lungsod ng Maynila matapos ireklamo nang panggagahasa sa isang Grade 7 na dalagita sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.
Kinilala ang dinakip na si Rudy Astorga, dating barangay kagawad sa Sampaloc, Maynila, negosyante, residente ng España Tower, Josefina St., Sampaloc.
Sa reklamo ng 15-anyos na biktimang itinago sa pa-ngalang Daisy at residente ng Maypajo, Caloocan, una siyang inabuso ng suspek noong Oktubre 10 at nasundan pa noong Nobyembre 5, alas-2:00 ng hapon sa mismong unit ng suspek sa ika-11 palapag ng nasabing condo tower.
Nabisto lamang ng 37-anyos na ina ng biktima ang nangyari sa anak nang may magsumbong sa kaniyang kaibigan hinggil sa nangyari sa anak.
Umamin ang biktima sa ina na ikalawang beses na siyang ibinugaw sa suspect ng isang alyas Joan, 17, na kaniyang kabarkada.
“Noong una (Oktubre 8) sabi niya po sa akin sumama ako at pupuntahan lang namin yung mama niya. Nung nandun na kami sa condo unit sa España, pumasok po kami ni Joan, tapos sabi ko mag-CR lang muna ko, paglabas ko ng CR wala na si Joan, naka-double lock na yung pinto at dun na nangyari, pinaghahalikan niya ko pati sa dibdib at nilamas buong katawan ko,” anang biktima.
Sa pag-uwi nila ay binig-yan sila ng pamasahe at binayaran umano siya ng p1,500 ng suspek na binawasan naman ng P400 ni Joan, bilang komisyon umano.
Noong Nob. 5 ay doon na nailugso ang kaniyang buong pagkababae nang magtungo muli sila sa condo ng suspek kasama si Joan dahil sa naiwan umanong relos at nang bigyan si Joan ng P1,500 ay binawasan umano ng P300 bago ibinigay sa kaniya.
Batay pa sa mga pahayag ng biktima at kaibigang dala-gita, marami nang naibugaw na dalagita si alyas Joan sa suspek at kung saan-saang mga kliyente umano na dinadalhan ng mga babae para sa panandaliang aliw.
Sumailalim na rin sa medico legal examination ang biktima na positibo sa panggagahasa.