^

Metro

Brgy. chairman na nambugbog ng binatilyo, lumutang na sa DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Brgy. chairman na nambugbog ng binatilyo, lumutang na sa DILG
Nabatid na dakong alas-8:35 ng umaga nang dumating sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Diño si Brgy. Captain Felipe Falcon Jr., ng Brgy. 350, Zone 35, Dist. III, Sta. Cruz.

MANILA, Philippines — Lumutang na sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang barangay chairman na inirereklamo ng pambubugbog sa  isang 16-anyos na binatilyo sa loob ng isang barangay hall sa Sta. Cruz, Manila matapos lamang umano siya nitong mapagkamalang barangay kagawad.

Nabatid na dakong alas-8:35 ng umaga nang dumating sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Diño si Brgy. Captain Felipe Falcon Jr., ng Brgy.  350, Zone 35, Dist. III, Sta. Cruz.

Gayunman, hindi ina­resto ng mga awtoridad si Falcon dahil wala pa naman umanong warrant of arrest na inilalabas sa kanya ang hukuman.

Ayon kay Diño, naghain na rin si Falcon ng 15-day leave of absence upang bigyang-daan ang imbes­tigasyong isasagawa laban sa kanya kaugnay ng kinakaharap na reklamo.

Tumanggi rin umano itong magbigay ng anumang komento o reaksyon hinggil sa kaso.

Matatandaang si Falcon ay sinampahan ng kasong physical injuries in relation to the anti-child abuse law charges o Republic Act 7610, ng isang 16-anyos na binatilyo, na umano’y sininturon niya at hinataw ng dry seal, matapos lamang na mapagkamalan siya nitong barangay kagawad.

Matapos ang naturang insidente ay hindi na nagpakita pa si Falcon at lumutang lamang kahapon isang araw matapos na mag-alok ng P20,000 na cash reward para sa kanyang pagkaaresto ang concerned citizen na si Don Bagatsing.

Una na rin namang hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang barangay chairman na sumuko na at tiniyak na sasampahan nila ito ng kaukulang kaso upang masibak sa tungkulin.

FELIPE FALCON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with