PWD binawalang pumasok sa MRT train station

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali noon pang Oktubre 26, 2018, sa North Ave­nue Station ng MRT-3 sa Quezon City.

MANILA, Philippines — Lumikha ng ingay sa social media ang isang Facebook post hinggil sa umano’y hindi pagpapapasok ng dalawang guwardiya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa istasyon ng tren sa isang lalaking may kapansanan na inakusahan  umano na peke ang iprinisintang Person with Disability (PWD) Identification (ID) card.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali noon pang Oktubre 26, 2018, sa North Ave­nue Station ng MRT-3 sa Quezon City.

Batay sa video na ipinaskil ni Shirley Iyulores sa kanyang Facebook account, lumilitaw na dumating ang kanyang anak na may kapansanan at pumasok sa northbound baggage inspection priority lane, at nagprisinta ng photocopy ng kanyang PWD ID.

Sa kanyang ipinaskil ina­kusahan umano ng dalawang guwardya ng MRT, isang babae at isang lalaki na peke ang dalang PWD ID ng kanyang anak. Tinangka pa umano itong kumpiskahin ng dalawang guwardiya kung kaya nalagay sa matin-ding kahihiyan ang kanyang anak.

Kaagad namang humi­ngi ng paumanhin ang Department of Transportation (DOTr-MRT-3) sa naturang pasahero at sa kanyang pamilya dahil sa pangyayari.

Tiniyak nito na pinaiim­bestigahan na nila ang insi-dente at sinigurong hindi nila kukunsintihin ang anumang maling pag-uugali o kawalan ng paggalang ng kanilang mga personnel sa sinumang pasahero nila.

Ipinaliwanag rin naman ng DOTr-MRT-3 na wala silang intensiyon na ipahiya ang sinumang may hawak ng balidong PWD ID, kundi naghihigpit lamang sila dito dahil na rin sa ilang insidente nang pamemeke nito.

Show comments