Big time rollback sa LPG ipinatupad

Ang rollback ay pina­ngunahan ng Petron Corporation at epektibo alas-12:00 ng madaling araw ay bumaba na sa P7.50 ang kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P82.50 na tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magpapatupad ngayong araw (Nov. 1) ng big time price rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kompanya ng langis.

Ang rollback ay pina­ngunahan  ng Petron Corporation at epektibo alas-12:00 ng madaling araw  ay bumaba na sa P7.50 ang  kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P82.50 na tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.

Nasa  P4.20 kada litro  ang bawas  sa  auto-LPG na ginagamit naman  sa mga  taxi.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan para sa buwan ng Nobyembre. 

Show comments