^

Metro

Binatilyo, binaril sa lamay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Binatilyo, binaril sa lamay
Dead on the spot ang biktimang si Ericson Israel, ng Bldg.34 Aroma Compound sakop ng Brgy. 105 Tondo.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 18-an­yos na binatilyo nang barilin habang naglalaro ng tong-its sa isang lamay kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Ericson Israel, ng Bldg.34 Aroma Compound sakop ng Brgy. 105 Tondo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rico Canapin, alyas Ikong, residente ng  Gawad Kalinga Aroma,Tondo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Bldg. 15 Ground Floor ng nasabing gusali.

Nabatid sa testigong sina  Mary Rose Galit at Edmar Nursali na bago ang insidente ay naglalaro sila ng tong-its kasama ang biktima  sa isang lamay sa nasabing palapag ng gusali nang dumating ang suspek.

Nilapitan nito ang biktima at walang sabi-sabing binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo saka mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon, dating alitan umano ang dahilan o motibo sa pamamaril ng suspek sa biktima.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with