^

Metro

Ilang kalye sa Makati, isinara na: Muntinlupa magbibigay ng libreng sakay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalye sa Makati, isinara na: Muntinlupa magbibigay ng libreng sakay
Base sa abiso ng Makati Public Safety Department (MAPSA), sinara sa mga motorista ang Kalayaan Avenue, mula Zapote hanggang N. Garcia; mula naman South Avenue hanggang Metropolitan Avenue, JP Rizal St., mula Vito Cruz hanggang South Avenue at Zapote St., Pililia hanggang Zapote, JP Rizal at Kalayaan Avenue.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ilang kalye ang isinara simula kaninang madaling araw ng Miyerkules hanggang sa Nobyembre 2 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga magtutungo sa Manila South Cemetery sa Makati City  ngayong Undas.

Base sa abiso ng Makati Public Safety Department (MAPSA), sinara sa mga motorista ang Kalayaan Avenue, mula Zapote hanggang N. Garcia;  mula naman South Avenue hanggang Metropolitan Avenue, JP Rizal St., mula Vito Cruz hanggang South   Avenue at Zapote St., Pililia hanggang Zapote, JP Rizal at Kalayaan Avenue.

Dahil dito  gagawing 2 way traffic ang JP Rizal St. mula Pasong Tirad St. hanggang Makati Avenue, Kalayaan hanggang mula Pasong Tirad  at Zapote Sts.

Gagawin namang one way  ang N. Garcia hanggang Metropolitan Avenue hanggang Makati at South Avenues.

Suspendido naman ang number coding sa Makati City mula Nobyembre 1  hanggang 2 .

Samantala, magbibigay naman ng libreng sakay ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa kanilang mga residente  na magtutungo ng mga sementeryo.

Nabatid kay  Tez Navarro, chief  ng Muntinlupa Public Information Office (PIO),  magtatalaga  sila ng mga electronic jeepney, city bus at 18 flexi-trucks sa kahabaan ng National Road mula Sucat hanggang Brgy. Tunasan.

Ito ay para maihatid ang mga taga-Muntinlupa na  dadalaw sa anim na sementeryo na nasasakupan ng lungsod.

Magsisilbing mga pick up points ng free shuttle ay ang Susana Heights Bus Terminal papuntang Everest Hills Memorial Park, ang Plaza Central papuntang Japanese Ceme­tery, Caltex Station sa Soldiers Hills na papuntang Muntinlupa City Public Cemetery, Aglipay Cemetery at Sucat East Service Road papunta  naman sa San Nicolas De Tolentino Cemetery.

Simula ngayong araw na ito ng Miyerkules (Oktubre 31) ang libreng sakay at tatagal hanggang Nobyembre 1, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi. Sabi pa ni Navarro, bukod sa libreng sakay ay  mamamahagi  rin  sila ng libreng kandila, tubig at medical assistance.

MANILA SOUTH CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with