Manila City hall, walang pasok ngayon
MANILA, Philippines — Walang pasok ngayon sa Manila City Hall.
Ito ang nakasaad sa memorandum order ni Mayor Joseph Estrada kaugnay ng paggunita sa Undas sa Nobyembre 1 at 2.
Batay sa memorandum, ang suspensiyon ng trabaho ngayong Nobyembre 31 ng mga empleyado ng city hall ay upang mabigyan ng sapat na panahon at oras ang mga uuwi ng probinsiya bukas.
Gayunman, may pasok pa rin ang mga empleyado ng mga opisinang may direktang responsibilidad sa Undas.
Kabilang dito ang Manila North at South Cemetery, Manila Traffic and Parking Bureau, Manila Health Department, Manila Risk Reduction Management Office, Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services at Manila Police District.
- Latest