MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malapit ng matapos ang ang konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT-2) East Extension project.
Sa update ng report ng (DOTr), sinasabing nasa 57 percent nang kumpleto ang proyekto.
Ayon sa DOTr, aabot sa 80,000 pasahero kada araw ang magbebenepisyo sa sandaling matapos na ang dalawang dagdag na istasyon ng LRT-2 na Emerald at Masinag station.
Ang orihinal na ruta ng LRT-2 ay mula sa Recto Avenue sa Manila hanggang sa Santolan, Pasig City at malapit ng matapos ang dalawa pang istasyon na ginagawa.
Sa mga pasaherong ga-ling sa LRT-2 at gustong lumipat sa LRT-1 ay hindi na kailangan pang bumaba sa kalsada ng Recto Avenue dahil magkarugtong ito sa Doroteo station.
Ayon sa DOTr, kapag natapos na ang dalawang pang istasyon, ang dating tatlong oras na biyahe Recto Avenue sa Maynila na pauwi ng Masinag sa Cainta Rizal ay magi-ging 40 minuto na lamang sakay ng tren ng LRT-2.