‘Lingap sa Mamamayan’ ng INC umayuda sa Maynila

Dinagsa kahapon ng mga residente ng Parola Compound sa Tondo, Maynila ang isinagawang outreach program na ‘Lingap sa Mamamayan’ ng Iglesia Ni Cristo (INC) kung saan namahagi ang grupo ng nasa 100,000 goodie bags at libreng medical and dental services.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Makaraan ang matagumpay na outreach at livelihood program na ‘Lingap sa Mamamayan’ ng Iglesia Ni Cristo sa ibayong-dagat, muling nagsagawa ng kahalintulad na programa ang naturang religious group sa Tondo at Binondo sa Maynila, kahapon.

Nabahagian ang nakararaming residente ng nasabing lugar ng nasa 100,000 goodie bags na naglalaman ng mga pa­ngunahing pangangaila­ngan tulad ng pagkain at household items, gayundin ng libreng medical at dental services.

“Katulad ng mga nagdaang outreach programs, ang Lingap projects are made possible by the INC’s Felix Y. Manalo Foundation, which works to realize an ever-growing effort to uplift the lives of the people, both in the Philippines and abroad,” pahayag ni INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr.

Samantala, sinabi rin ni Santos na ang Li­ngap sa Mamamayan ay nakatakda namang pumunta sa Muslim Community sa Culiat sa lungsod ng Quezon sa darating na Oktubre 31 (Miyerkules) kung saan nasa 5,000 goodie bags at medical and dental mission ang nakalaan para sa mga residente rito.

Sinabi pa ni Santos na ang Lingap activities para sa buong buwan ng Oktubre ay para na rin bigyang parangal ang kanilang Executive Minister na si Eduardo V. Manalo na magdidiwang ng kanyang ika-63 kaa­rawan sa Oktubre 31.

Show comments