^

Metro

Disiplina sa basura, kalye pairalin - Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Disiplina sa basura, kalye pairalin - Erap
Ang panawagan ni Estrada ay bunsod na rin ng kanilang ginagawang kampanya laban sa basura at pagmementine ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa lungsod.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umapela si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga magulang gayundin sa mga motorista na pairalin ang disiplina sa lahat ng oras.

Ang panawagan ni Estrada ay bunsod na rin ng kanilang ginagawang kampanya laban sa basura at pagmementine ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa lungsod.

Ayon kay Estrada, dapat na habang bata pa ay natuturuan na ang tamang pagtatapon ng basura. Aniya, dadalhin ng isang bata sa kanyang pagtanda ang disiplina sa pagtatapon ng basura

Inihalimbawa ni Estrada ang bansang Singapore na sobrang linis at walang makikitang basura o maliit na kalat sa lansangan.

Hindi maiwasan ni Estrada na humanga sa kalinisan ng  nasabing bansa lalo pa’t malaki rin ang populasyon nito.

Paliwanag ni Estrada pinagtutuunan niya ng pansin ang basura dahil talamak na ang maling sistema ng pagtatapon nito.

Samantala, pinayuhan din ng alkalde ang mga motorista na igalang ang mga enforcers at batas trapiko.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with