^

Metro

Paslit dinukot sa Batangas, nasagip sa Navotas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Paslit dinukot sa Batangas,  nasagip sa Navotas
Sa report ng Brgy. San Jose, Navotas City, base sa pahayag ng ina ng biktimang si Monalyn na isang barker, iniwan niya muna ang kanyang anak na si JM sa isang drugstore habang siya ay nagtatawag ng pasahero sa kanilang lugar sa LIpa City sa Batangas.
File

Ginamit sa pagpapalimos

MANILA, Philippines — Isang batang lalaki na iniulat na nawawala sa Lipa City, Batangas ang natagpuan sa lungsod ng Navotas kung saan natuklasang ginamit ito sa modus operandi nang pagpapalimos, iniulat kahapon.

Sa report ng Brgy. San Jose, Navotas City, base sa pahayag ng ina ng biktimang si Monalyn na isang barker, iniwan niya muna ang kanyang anak na si JM sa isang drugstore habang siya ay nagtatawag ng pasahero sa kanilang lugar sa LIpa City sa Batangas.

Lumalabas sa kuha ng CCTV, isang lalaki ang nakitang lumapit at kuma-usap kay JM bago ito tuluyang nawala.

Mula Lipa, dinala si JM sa Navotas City  upang gamitin sa pamamalimos.

“Dinala po siya sa amin nung sinasabing nakapulot. Sabi niya po ay nakuha niya lang dito sa may lugar ng Brgy. San Jose  ng naturang siyudad. Pero naghinala po kami, bakit hindi kilala yung bata. Hindi po namin siya makausap nang maayos,” ani Ernan Perez, chairman ng Brgy. San Jose sa Navotas.

Ayon kay Monalyn, tatlong araw na­wala si JM at kung saan-saan na sila nakarating para mahanap ito.

Nakita si JM matapos mag-post sa Facebook ang barangay officials ng San Jose at makita ito ng kaanak ng bata.

Aminado naman si Edcel Antonio, na siya ang nagdala kay JM sa barangay at ginamit niya ang bata sa pamamalimos.

Nananatiling nasa kustodiya ng Barangay San Jose si Edcel para imbestigahan. 

MODUS OPERANDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with