^

Metro

Dahil sa ‘Pot Session’ 150 bahay tupok sa sunog sa Tondo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa ‘Pot Session’ 150 bahay tupok sa sunog sa Tondo
Nasa 150 kabahayan ang tinupok ng sunog sa Happyland sa Tondo, Maynila kung saan 3 ang ini­ulat na nasaktan kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang arson division  hinggil sa ulat na ‘pot session’ ang pinagmulan ng  sunog na tumupok sa 150 bahay at nakasugat ng tatlong katao, kahapon ng tanghali sa Happyland, Tondo,Maynila.

 

Sa inisyal na  imbestigasyon, nakilala ang mga nasugatan na sina Aida Tesoro; Rodel Guevarra, 27, na sumaklolo upang magligtas ng gamit; habang isang aminadong ‘usisero’ lamang na nakilalang si BJ Jerome, 26, na kinailangang isalba ng mga pamatay sunog, matapos na mag-collapse.

 

Galing pa umano sa area ng Herbosa sa Tayuman, si BJ Jerome at nagtungo lamang sa lugar upang mag-usyoso sa sunog.

Sa nakuhang impormasyon,  mula sa ilang residente, may nagpa-pot session sa lugar ang dahilan ng pagsiklab ng apoy. Gayunman, patuloy pa itong kinukumpirma ng mga imbestigador.

 Habang nahanap naman ng kanilang mga kaanak ang dalawang bata na naunang   iniulat na nawawala sa kasagsagan ng sunog.

Ayon sa Manila Fire Department (MFD) dakong alas-12 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa lugar na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout dakong alas-2:44 ng hapon.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa apoy.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with