MANILA, Philippines — Dagling nalusaw ang mga pangarap ng mga magulang ng walong college students na makapagtapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga ito nang masakote ng mga otoridad sa isina- gawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lung-sod ng Maynila, kamakalawa.
Sa ulat ng Ermita Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang masakote sa isang kilalang fast food chain sa panulukan ng Taft Ave. at P. Ocampo St., sa Malate ang mga suspek na nakumpiskahan ng 250 samu’t saring uri ng ecstasy tablet, lokal at ‘kush’ o high grade marijuana, at drug pharaphernalias na sina Adrielle Mercado, 21, residente ng PA-10 IST VAB, Pasay City; Maico Estrella, 22, ng No. 184-D Progresso St.,Pasay City; Jan Andre Sanchez, 18, ng No. 20 Tulip St., Roxas District, Quezon City; at Matthew Reyes, 21, ng Unit 1809 University Tower, Galicia St., Sampaloc, Maynila.
Pinagdadampot ang mga suspek matapos na makabili ang poseur buyer na pulis mula sa kanila ng P5,000 halaga ng droga.
Dakong alas-8:00 ng gabi, natimbog naman sa CM Recto Ave. sa Sampaloc ang apat pang suspek na sina Richmond Ray Palustre, 20; Ryan Glen Zarandin, 20; Miguel Cardeña, 19; at Xanni Antonio, 18 taong gulang, matapos makum-piskahan ng nasa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P240,000 makaraang makabili ang ka-deal nilang pulis ng nasa P10,000 halaga ng ‘damo’.
Hindi naman tinukoy ang eskwelahan ng mga college students na suspek habang nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.