^

Metro

8 college stude huli sa ecstasy, ‘kush’ sa Maynila

Ludy Bermudo, Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon
8 college stude huli sa ecstasy, ‘kush’ sa Maynila
Nahihiyang nagtatakip ng kani-kanilang mukha ang apat na college student na nasakote ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa CM Recto, Sampaloc, sa Maynila kung saan nasa dalawang kilo ng marijuana na may halagang P240,000 ang nakumpiska mula sa kanila noong Sabado. Apat pang estudyante ang nadakip din sa parehong araw sa Malate, Maynila matapos matimbog sa halos 250 samu’t saring tableta ng ecstasy at ‘kush’ o high grade marijuana.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Dagling nalusaw ang mga pangarap ng mga magulang ng walong college students na makapagtapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga ito nang masakote ng mga otoridad sa isina-  gawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lung-sod ng Maynila, kamakalawa.

Sa ulat ng Ermita Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang masakote sa isang kilalang fast food chain sa panulukan ng Taft Ave. at P. Ocampo St., sa Malate ang mga suspek na nakumpiskahan ng 250 samu’t saring uri ng ecs­tasy tablet, lokal at ‘kush’ o high grade marijuana, at drug pharaphernalias na sina Adrielle Mercado, 21, residente ng PA-10 IST VAB, Pasay City; Maico Estrella, 22, ng No. 184-D Progresso St.,Pasay City; Jan Andre Sanchez, 18, ng No. 20 Tu­lip St., Roxas District, Quezon City; at Matthew Reyes, 21, ng Unit 1809 University Tower, Galicia St., Sampa­loc, Maynila.

Pinagdadampot ang   mga suspek matapos na makabili ang poseur buyer na pulis mula sa kanila ng P5,000 halaga ng droga.

Dakong alas-8:00 ng gabi, natimbog naman sa CM Recto Ave. sa Sampaloc ang apat pang suspek na sina Richmond Ray Palustre, 20; Ryan Glen Zarandin, 20; Miguel Cardeña, 19; at Xanni Antonio, 18 ta­ong gulang, matapos makum-piskahan ng nasa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P240,000 makaraang makabili ang ka-deal nilang pulis ng nasa P10,000 halaga ng ‘damo’.

Hindi naman tinukoy  ang eskwelahan ng mga college students na suspek habang nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

COLLEGE STUDENTS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with