Jerika Ejercito papasok na rin sa pulitika
MANILA, Philippines — Sasabak na rin sa pulitika si Jerika Estrada, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada upang mas maserbisyuhan ang mga Manilenyo.
Alas-3 ng hapon ng dumating si Jerika kasama ang kanyang asawa na si Miguel Aguilar at kapatid na si Jake at naghain ng certificate of candidacy (COC).
Sa panayam kay Jerika sinabi nito nakita niyang kailangan ngayon ng lungsod na magsusulong sa mga kaila-ngan ng Manilenyo partikular na ng mga senior citizens.
Bagamat sinabi niya nung una na wala siyang balak na tumakbo, nagdesisyon siya na maghain ng kanyang certificate of candidacy upang matulungan ang kanyang ama na maibalik ang ganda ng Maynila.
Aniya, marami pang balak at proyekto ang kanyang ama kaya’t kailangan na magtuluy tuloy ang implementasyon nito sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ama.
Naghain din ng COC sina Councilors Anton Capistrano, Kryz Bacani, DJ Bagatsing, Bimbo Quintos at Andrew Lopez.
- Latest