^

Metro

Malapitan sa Caloocan, muling tatakbo sa ikatlong termino

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malapitan sa Caloocan, muling tatakbo sa ikatlong termino
Nagkulay kahel ang kalsada ng Camarin at Zapote Road patungo sa Commission on Elections-North Caloocan sa Brgy. Zapote dahil sa libu-libong ta­gasuporta na sumalubong sa motorcade ni Malapitan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagsumite na rin kahapon ng kanyang kandidatura si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at buong tiket ng kanyang partidong ‘Tao ang Una’ para sa kanyang ikatlo at ika-huling termino bilang alkalde ng lungsod.

Nagkulay kahel ang kalsada ng Camarin at Zapote Road patungo sa Commission on Elections-North Caloocan sa Brgy. Zapote dahil sa libu-libong ta­gasuporta na sumalubong sa motorcade ni Malapitan.

Bago ang pagsusumite ng kanilang certificate of candidacy (COC), ipinakilala muna ni Malapitan sa mga taga-suporta ang kanyang running-mate na si Vice Mayor Macario Asistio, at tumatakbo bilang congressman ng Caloocan District 1 na si Rep. Along Malapitan kasama ang mga konsehal.

Sa kanyang huling termino, sinabi ni Malapitan na target niya sa susunod na tatlong taon na makapagtayo ng bagong City Jail at Hall of Justice sa Caloocan North at pagpapasok ng isang shopping mall.

OSCAR MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with