^

Metro

2 extortionist arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 extortionist arestado
Inireklamo sila ng biktimang si Richard Gopaoco, 55, fleet officer ng Humabon Distributors Inc., at si Roberto Revilla, 42, kinatawan ng Humabon Distributors Inc.

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang dalawang lalaki na nagbanta na magpapasabog ng bomba sa isang kompanya kung hindi sila  papadalhan ng P50,000 sa ikinasang entrapment operation ng Valenzuela City Police, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Christian Rivera, 24 at si Arveen Neil Marquez, 24.

Inireklamo sila ng biktimang si Richard Gopaoco, 55, fleet officer ng Humabon Distributors Inc., at si Roberto Revilla, 42, kinatawan ng Humabon Distributors Inc.

Sa ulat ng pulisya, Oktubre 6 nang makatanggap ng text message si Gopaoco buhat sa isang hindi nakarehistrong numero na nagsasaaad ng: “Mamatay ka Richard Po.... mo”; “Bukas ng 11am ppsbugan q ang Humabon ksma kng Richard k! Mmatay kaung lahat”; “My bomba ngayong nakatanim dyan sa building ng Huma­bon at nakatalaga itong sumabog sa nakatakdang trenta minuto (30mins) mamatay ka Richard”; at Bigyan mu ako ng 50K titigilan kta.  Sobra ginawa mo sakin nuon napakayabang mo! Kaya kitang patayin Richard agad agad!” Dahil dito, iniulat ni Gopaoco ang mga pagbabanta nitong Oktubre 8 sa pulisya. Ipinakita niya ang mga mensahe ng hindi kilalang texter at ang ibinigay na account number ng Pera Padala kung saan ipapadala ang hinihinging pera.

Dito nagkasa ng entrapment operation ang pulisya at sa pakikipagkoordinasyon sa Smart Padala, natukoy nila ang puwesto ng pera padala account sa isang tindahan sa may T. Santiago Street, Brgy. Canumay West, Valenzuela.

Nagpadala naman si Gopaoco ng pera sa naturang numero.  Hindi na nakapalag sina Rivera at Marquez nang dakpin sila ng mga nagbabantay na pulis sa tindahan nang tangkain nilang kunin ang perang ipinadala ni Gopaoco dakong alas-9 nitong Martes ng umaga. Nakumpiska sa posesyon ni Marquez ang cellular phone na pinadalhan ni Gopaoco ng reference number at kung saan naroroon ang palitan ng kanilang mensahe.   Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa mga kasong robbery extortion, grave threats at paglabag sa Presidential Decree 1727 o pagpapakalat ng bomb threat.

vuukle comment

BOMB THREAT

EXTORTIONIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with