Partido Federal ng Pilipinas , pormal nang inilunsad sa QC

Ganap nang isang political party ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at pormal na inilunsad kahapon sa Lungsod Quezon. Humarap sa media ang mga lider ng national political party sa pa­ngunguna ni PFP party President Atty. Jayvee Hinlo; NCR Chairman -QC Vice Mayor Joy Belmonte at incoming party President DAR Secretary John Castriciones.
(Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Ganap nang isang political party ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) makaraang ma -accredit ng Commission on Elections (Comelec)

Ang PFP ay kinabibilangan ng ibat -ibang organisasyon na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at magbubuo ng koalisyon sa Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kahapon sa press conference sa QC, inanunsyo ng bagong PFP President John Castriciones, kasalukuyang DAR Secretary na may 40 hanggang 50 ng kandidato ang sasabak sa congressional seat mula sa PFP, 30 hanggang 40 ang kakandidatong governor sa pangunguna ni Tesda Director General Guiling Mamondiong para sa Lanao del Sur, Gov. ER Ejercito sa Laguna, Cong.  Rey Umali sa Oriental Mindoro, Asst. Secretary Dabiel Mercado sa Zamboanga del Sur, Gov. Pax Mangudadato sa Sultan Kudarat at Gov. Dodo Mandanas ng Batangas .

Si dating Partido Federal ng Pilipinas President Jayvee Hinlo- director ng Land Bank of the Philippines ay tatakbong senador ng PFP.

Sa kanyang panig, sinabi ni Quezon City   Vice Mayor Joy Belmonte -NCR PFP na tatakbong Mayor sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas na 12 kandidato ang nais sumama sa kanila para sa mayorial seat sa Metro Manila.

“Marami po ang nais sumama sa atin, marami po ang nagsa submit ng intention , mayroon po kaming team na mag -aaral ng kanilang background, yung quality ng candidates at mag -start kami ng mga bagong criteria at principles bago natin sila ibilang para sa huli ay wala pong conflict”, pahayag ni Belmonte.

Sa kanyang panig, sinabi ni Hinlo ang PFP ang isa sa patuloy na sumusuporta at magpapaliwanag ng mga konsepto ng usapin tungkol sa federalismo.

Sa Oktubre 11 ay magkakaroon ng grand rally ang PFP sa Cuneta Astrodome sa Pasay City para sa pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.

Show comments