MANILA, Philippines — Nasa 800 kilo ng karne ng kalabaw ang nakum-piska ng mga nagrorondang tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Balintawak Market sa Quezon City.
Ang karne na may halagang P160,000 ay mula sa norte na takda sanang ibagsak sa Blumentritt Market.
Pero dahil sarado pa ang pagbabagsakan ng karne sa Blumentritt ay nagpasya ang delivery truck driver na ibagsak na lamang ang produkto sa Balintawak kung saan naman noo’y nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon ang NMIS kayat aktong nahuli ito.
Sinabi ni Dr. Rolando Marquez ng NMIS, sa pagbusisi sa dokumento ng truck ay nabatid na hindi ito accredited ng ahensiya na isang paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines, bukod sa ang dalang permit ay nagsasaad na hindi ito pinapayagang pumasok sa MMLA.
Bunga nito, patung-patong na kaso ang nakaambang isampa sa may-ari. Ang karne ng kalabaw ay isang uri din ng hayop na bawal katayin dahil sa lumiliit nilang populasyon.