^

Metro

800 kilo ng carabao meat, nakumpiska ng NMIS sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
800 kilo ng carabao meat,  nakumpiska ng NMIS sa QC
Pero dahil sarado pa ang pagbabagsakan ng karne sa Blumentritt ay nagpasya ang delivery truck driver na ibagsak na lamang ang produkto sa Balintawak kung saan naman noo’y nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon ang NMIS kayat aktong nahuli ito.

MANILA, Philippines —  Nasa 800 kilo ng karne ng kalabaw ang nakum-piska ng mga nagrorondang tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Balintawak Market sa Quezon City.

Ang karne na may halagang P160,000 ay mula sa norte na takda sanang ibagsak sa Blumentritt Market.

Pero dahil sarado pa ang pagbabagsakan ng karne sa Blumentritt ay nagpasya ang delivery truck driver na ibagsak na lamang ang produkto sa Balintawak kung saan naman noo’y nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon ang NMIS kayat aktong nahuli ito.

Sinabi ni  Dr. Rolando Marquez ng NMIS, sa pagbusisi sa dokumento ng truck ay nabatid na hindi ito accredited ng ahensiya na  isang paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines, bukod sa ang dalang permit ay  nagsasaad na hindi ito pinapayagang pumasok sa MMLA.

Bunga nito, patung-patong na kaso ang nakaambang isampa sa may-ari. Ang karne ng kalabaw  ay isang uri din ng hayop na bawal katayin dahil sa lumiliit nilang populasyon.

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with