^

Metro

Mag-inang nagtapon ng basura sa baha, papanagutin ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mag-inang  nagtapon ng basura sa baha, papanagutin ng MMDA
Sa Facebook page ni MMDA Chairman Danilo Lim, kinon­dena nito ang mag-ina na taga Brgy. 67, Caloocan City dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi palulusutin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mag-inang nag-viral sa social media makaraang makuhanan habang walang habas na itinatapon at ipinaaanod sa baha ang tambak nilang basura sa Caloocan City.

Sa Facebook page ni MMDA Chairman Danilo Lim, kinon­dena nito ang mag-ina na taga Brgy. 67, Caloocan City dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Kung saan nag-viral ang video sa social media noong Martes ang ginawang pagtatapon ng kanilang basura sa baha sa kalsada na winawalis pa papalayo sa ka­nilang lugar.

Binanggit pa ni Lim na kaya nababalewala ang flood control projects ng MMDA ay dahil sa mga iresponsableng mamamayan na wala na ngang naitutulong kundi duma­dagdag pa sa problema.

Kung saan aniya sa ilalim ng Presidential Decree No. 825, na sinumang tao na mahuhuling nagtatapon ng basura ay mananagot sa batas.

DANILO LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with