Dalaga itinumba sa Taguig
MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na dalaga ng hindi pa nakikilalang salarin kamaka-lawa sa Taguig City. Dead on the spot ang biktimang si April Abuya, ng PNR Site, FTI Complex, Brgy. Western Bicutan ng naturang siyudad.
Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan. Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang insidente alas-11:10 ng gabi sa PNR Site, FTI Complex, Brgy. Western Bicutan habang ang biktima ay nakatayo sa lugar nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspect at walang salitang pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksiyon. Patuloy pang sinisiyasat ng mga pulis ang nasabing pamamaril at inaalam na rin ang motibo nito.
- Latest