P2P bus sa Las Piñas -- Makati City, umarangkada
MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang P2P buses na mayroong ruta na Las Piñas City hanggang Makati City at vice versa.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), P100 ang pamasahe sa nasabing ruta, na ang unang biyahe ay alas-5:30 ng umaga.
Maaaring makasakay ng P2P bus sa Pilar Station kung galing ng Las Piñas at sa Circuit Lane naman kung galing ng Makati.
Ang drop off point naman ng bus ay sa Landmark at sa Ayala Triangle sa Makati City.
Sinabi ng DOTr, isang magadang balita ang deve-lopment na ito na malaki ang maitutulong sa mga pasahero na papunta at pabalik ng Las-Piñas City at Makati City.
Patuloy na gumagawa ng paraan ang pamunuan ng DOTr kung papaano maiibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila o kung papaano maging kumbinyente ang mga pasahero sa kanilang mga biyahe.
- Latest