^

Metro

P.7-M cash nasamsam sa Manila City jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P.7-M cash nasamsam sa Manila City jail
Isinagawa kahapon sa Manila City Jail ang ‘Oplan Linis Piitan o ‘Oplan Greyhound ‘partikular sa dormitoryo ng ‘Sigue-sige Sputnik’. Nakarekober ang mga tauhan ng BJMP ng mahigit sa P.7M cash na inilagay sa loob ng bote ng mineral water at ilan pang mga kontrabando.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Manila City Jail (MCJ) kaugnay sa nasamsam na P790,000 cash sa loob  mismo ng piitan sa isinagawang ‘Oplan Linis Piitan’ o ‘Oplan Greyhound’  ng mga tauhan ng  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Inalalayan ang BJMP ng ilang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District para sa sorpresang  pag-inspeksiyon.

Sinabi ni Jail Senior Officer Jayrex Bustinera na sa tagong kuwarto narekober ang mala­king halaga na nakasilid sa bote ng mineral water na inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari at kung saan nanggaling ang salapi.

Nasamsam din ang mga itinatagong  cellphone at mga improvised na patalim.

Layunin ng operasyon na matiyak na wala nang ipinagbabawal na droga na itinatago doon ang ilang sindikato at maging ang mga armas kabilang ang improvised weapons na nagagamit sa riot ng mga preso.

Tinarget umano ng operasyon ng mga awtoridad ang dalawang pinakamalaking dormitoryo sa MCJ na may 1,200 presong nakapiit.

MANILA CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with