^

Metro

Bomb threat sa Unibersidad de Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bomb threat sa Unibersidad de Manila
Ito’y kasunod ng panibagong bomb threat na ku­malat sa Unibersidad De Manila (UDM), sa Arroceros St., Ermita, Maynila, alas-10:25 ng umaga kahapon na nagdulot ng tensyon at dahilan upang agad na rumesponde ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng MPD at agad na pinalabas ang mga estudyante at mga staff para sa pagrikisa.

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si  Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Rolando B. Anduyan sa mga mamamayan na huwag gawing biro ang pagpapadala ng ‘bomb threat’ dahil seryoso ang kapulisan na sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang matutukoy na may kagagawan.

Ito’y kasunod ng panibagong bomb threat na ku­malat sa Unibersidad De Manila (UDM), sa Arroceros St., Ermita, Maynila, alas-10:25 ng umaga kahapon na nagdulot ng tensyon at dahilan upang agad na rumesponde ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng MPD at agad na pinalabas ang mga estudyante at mga staff para sa pagrikisa.

Gayunman, matapos na siyasatin ang buong paligid ay negatibo naman sa anumang uri ng pampasabog.

Batay sa mensaheng natanggap ng isang guro, may bomba umanong inilagay sa paligid ng UDM  na sasabog anumang oras, na nagmula umano sa cellphone numbers  09157090797.

Pinabalik na sa classrooms ang mga estudyante nang ideklarang walang bomba kaya itinuloy ang mga klase.

Noong Miyerkules (Set. 26) nang arestuhin at sampahan ng reklamong  paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law  sa Manila Prosecutor’s Office ang Education student ng National Teacher’s College na si Lezlie Anne Orteza Bolo, 18 , residente ng Tondo at umano’y Sangguniang Kabataan chairman.

Ipinahahanap na rin ni Gen. Anduyan ang dalawang bomb threat texter na may kagagawan ng pananakot sa ilang paaralan sa Intramuros at Sampaloc, Maynila.

“Hindi dapat na palampasin ang mga ganiyang insidente, dapat sila ay makasuhan para hindi pamarisan,” ani Anduyan.

Nabatid na matapos makipag-ugnayan sa National Telecommunication ay natunton ang nasabing estudyante na siyang nagpadala ng bomb threat.

vuukle comment

UNIBERSIDAD DE MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with