‘Pusher’ na No. 2 most wanted utas sa buy-bust
MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang sinasabing kilabot na tulak na No. 2 most wanted din sa kamay ng batas sa kasong murder nang pumalag at kumasa ito sa isina-gawang drug operation ng mga otoridad sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sanhi ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang suspek na si Benjo Villanueva, nasa hustong gulang, residente ng Bldg. 17, Vitas Katuparan, Barangay 101, ng naturang lugar.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang transakyon sa pagitan ng suspek at poseur buyer na pulis sa rooftop ng Bldg. 17 sa naturang lugar.
Sa kalagitnaan ng pa-litan ng item at buy-bust money ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad na bumunot ng armas at pinutukan ang mga pulis na agad namang nakaganti dahilan upang mapatay ang suspek.
Dahil sa mga nakuhang shabu sa bahay ng suspek, binitbit din ang asawa ng suspek na si Rowena na nahaharap sa reklamong paglabag sa section 5 at 26 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.
- Latest