^

Metro

PNP todo-alerto sa mga kilos-protesta

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP todo-alerto sa mga kilos-protesta
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr. na isinailalim na sa full alert status ang kapulisan kasabay ng pagpapaigting ng police visi­bility patrol bilang bahagi ng pro-active measure.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa 4,000 pulis ang ika­kalat sa mga istratehi­kong lugar sa Metro Mani­la matapos makatanggap ng intelligence report ang pamunuan ng PNP na da­ang miyem­bro ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA) ang lalahok sa hanay ng mga militanteng grupo na magda­raos ng kilos protesta upang ipahiya ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng paggunita sa ika-46 taong anibersaryo ng martial law  ngayon (Setyembre 21).

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr. na isinailalim na sa full alert status ang kapulisan kasabay ng pagpapaigting ng police visi­bility patrol  bilang bahagi ng pro-active measure.

“Motivated by different shades of vested interests, various groups monitored to be led by the CPP/NPA/NDF will hold various protests in Metro Manila and other key cities on 21 September to vainly try to embarrass and undermine a popular administration of President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Durana.

Idinagdag pa nito na base sa intelligence report, hahalo sa rally ng mga militanteng grupo ang nasabing mga rebeldeng komunista kaya todo alerto ang PNP-Civil Disturbance Management (CDM) team upang masupil ang posibleng paghahasik ng kaguluhan ng mga ito.

Nabatid na kabilang sa mahigpit na babantayan  ay ang kahabaan ng Mendiola  patungo sa Palasyo ng Malacañang, US Embassy  at iba pang lugar na pagdarausan ng kilos protesta.

Inihayag ni Durana na nakahanda ang kapulisan na arestuhin ang CPP-NPA na may warrant of arrest   na hahalo sa mga magdaraos ng demonstrasyon.

Sa kabila nito, ayon kay Durana ay wala naman silang namomonitor na ‘terror threat “pero mas mabuti na ang nakaalerto sa lahat ng oras dahilan sa traydor ang komunistang mga terorista.

Kaugnay nito, nanawagan si Durana sa mga estudyante na huwag ng makilahok sa mga bayolenteng pagkilos para sa kanilang kaligtasan.

Magugunitang binanggit kamakailan ni Pangulong Duterte ang plano umanong pagpapatalsik sa kanya ng tatlong grupong CPP-NPA, grupo ni Sen. Trillanes at mga dilawan na isasabay sa paggunita sa deklaras­yon ng Martial Law nga-yong araw na ito.

vuukle comment

PNP AGAINST RALLYIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with