MANILA, Philippines — Posibleng ngayong linggong ito na isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Old Santa Mesa bridge matapos itong ipagpaliban bunsod ng bagyong Ompong.
Sa pahayag kahapon ni Bong Nebrija, MMDA task force operations head, ang naturang tulay ay kumokonekta sa San Juan at Manila na nakatakdang gibain kung kayat ang mga kargadong materyales para sa Skyway Stage 3 Project ay dadaan sa waterway.
Ayon kay Nebrija ang Old Sta. Mesa bridge ay isasara sa loob ng 7 buwan.
Nabatid na nasa 8,000 motorista ang dumadaan sa naturang tulay kada araw ang maaapektuhan.
Dahil dito, sinabi pa ni Nebrija kailangang i-clear nila ang F. Manalo St. o G. Araneta/Aurora Boulevard, Libiran, Boni Avenue at F. Blumentritt Avenue kontra sa anumang uri ng traffic obstruction na magsisilbing alternatibong daan.
Asahan na rin ang matinding trapik sa Metro Manila.