Masikip na daloy ng trapiko sa QC, sosolusyunan

Katuwang ng tanggapan ni VM Joy ang iba’t ibang multi-sectorial transportation, barangay officials at mga tagapangisawa ng tricycle at pedicab drivers sa Quezon City sa pagsasagawa ng orien­tation.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Sangguniang Panlungsod ng Quezon City sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte na hanapan ng agarang solusyon ang masikip na daloy ng trapiko sa lungsod.

Katuwang ng tanggapan ni VM Joy ang iba’t ibang multi-sectorial transportation, barangay officials at mga tagapangisawa ng tricycle at pedicab drivers sa Quezon City sa pagsasagawa ng orien­tation.

Ang unang pagpupulong ukol sa transportasyon ay ginanap kamakailan lang sa Quezon City Hall. Ito ay pinangunahan ng Sangguniang Panlungsod, Department of Public Order and Safety (DPOS), Tricycle Regulation Division and Tricycle Franchising Board, at mga opisyal ng mga barangay.

Ipinaliwanag naman ni Committee on Transportation Chair Oliviere Belmonte na layunin ng talakayang ito na mabigyang kaalaman ang mga bagong halal na opis­yales ng barangay.

Sa buwang ito, aprubado na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang ordinansang magsasagawa ng “Public Transport Service Board” na magpapanukala sa mga plano sa pampublikong transportasyon sa lungsod.

Ang Ordinance No. 2726 na isinulat nina Councilor Oliviere Belmonte at Ramon Medalla ay naglalayong pagandahin ang transportasyon sa lungsod sa pamamagitan ng malawakang pananaliksik, pagpapaplano at koordinasyon sa mga kaugnay na lungsod; at pakikipagtulu­ngan sa mga ahensya tulad ng Department of Transportation o DOTr, Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB, at mga pribadongsektor.

Show comments