^

Metro

Roxas Boulevard nalubog sa baha at basura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Roxas Boulevard nalubog  sa baha at basura
Malalaking alon ang humampas sa baybayin ng Manila Bay na nagpabaha sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Bukod sa mataas na tubig, makapal na basura rin ang tinangay ng alon dulot ng bagyong Ompong.
(Kuha ni Miguel De Guzman)

MANILA, Philippines — Hindi nadaanan ang kahabaan ng Roxas Boulevard  dahil sa lagpas gutter-deep na baha dulot ng storm surge ng Manila Bay.

Samantala sa 853 pamil­ya ang inilikas hanggang kahapon ng umaga mula sa Baseco sa Port Area at Isla Puting Bato sa Tondo, sa Maynila sa isinagawang preemptive evacuation ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Manila Police District kaugnay sa pana­nalasa ng bagyong Ompong.

Sa update kahapon ng hapon ni Supt, Carlo Magno Manuel, noong una ay nasa 21 pamilya lamang ang inilkas o 97 indibidwal, napilitan ding ilikas ang iba pang pamilya na pawang nasa peligrosong lugar malapit sa Manila Bay kaya umabot na sa 853 pamilya o 2,560 indibidwal ang nasa Delpan Evacuation Center at Tondo Sports Complex.

Nabatid na maging ang Barangay 101 at 105 sa Happyland  ay tinungo ng kapulisan para sa paglilikas kahit hindi pa naman nasa peligroso ang kanilang ka­lagayan.

Samantala, may 92 stranded naman sa mga Pier sa Maynila ang inilikas din upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Wala naman nakitang stranded na mga sasakyan at barko sa nasasakupan ng Maynila at wala ring naiulat na nawasak na mga kabahayan. 

TYPHOON OMPONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with