^

Metro

3 pekeng NBI agents, arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 pekeng NBI agents, arestado
Kinilala ang mga suspek na sina Ronald de Rosales, alyas Mat-Mat; Christian Maximo at Rolroyce Figue-rao, alyas John.
File Photo

MANILA, Philippines — Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki na nag­papanggap na NBI agents sa isinagawang entrapment operation sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronald de  Rosales, alyas Mat-Mat; Christian Maximo at Rolroyce Figue-rao, alyas John.

Ayon kay NBI deputy director for Forensic Investigation Service Spokesperson Ferdinand Lavin, nag-ugat ang pagkakaaresto ng mga suspek sa reklamo ng isang Chinese national na kanilang kinikilan ng umabot sa halagang P855,000 upang maayos ang kanyang kaso matapos itong maaresto ng Pasay police  dahil sa kasong illegal possession of firearms at driving without license noong Setyembre 3.

Ang nasabing kaso ay ka­salukuyan na umanong dini­­dinig sa korte at ang mga sus­pek ang nagkunwaring   tu­tulong sa complainant upang maayos ang kanyang kaso sa pamamagitan ng paghi-ngi ng pera sa bawat transaksyon.

Inunti-unti umanong hi-ngan ng mga suspek ng nasabing halaga ang biktima hanggang sa magduda na ito at inalam sa tanggapan ng NBI kong totoong mga ahente ng ahensya ang mga suspect.

Dito na napag-alaman na mga pekeng NBI agent ang tatlo dahilan upang planuhin ang entrapment operation na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa PNP dahil lisensyado umano ang mga baril na nakumpiska sa mga suspek na ginagamit sa kanilang maling aktibidad.  

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with