Bistek at Joy pinarangalan

Mayor Herbert Bautista at VM Joy Belmonte

Sa unang International Education Summit

MANILA, Philippines — Pinarangalan sa unang international education summit sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte bilang mga namumukod-tanging “education partners” para sa kanilang walang humpay na pagtataguyod ng kahusayan sa edukasyon sa lungsod.

 Inorganisa ng Schools Division Office (SDO) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Education (DepEd) ang internasyonal na pagpupulong na may temang “Enhancing Education Quality Through Partnerships Towards an Integrated ASEAN”.

“To a large extent, Quezon City, our local government, has stepped in to lessen the burden of education on families especially among the poor, who have the most to gain from quality education to uplift their status in life,” ani Bautista sa kanyang talumpati.

 Pinarangalan naman si Belmonte para sa kanyang exemplary dedication para iangat ang kapakanan ng mga kabataan.

 Bilang pinuno ng Sang-guniang Panlungsod, pina-ngunahan ni Belmonte ang pagpasa ng ilang mga ordi-nansa na naglalayong makapagbigay ng scholarship, pagsasaayos at pagdarag-dag ng mga pasilidad at materyales para sa edukasyon, at pagbibigay ng tulong-pi-nansyal at iba pang ayuda sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Show comments