PNR Sangandaan line, bumiyahe na
MANILA, Philippines — Bumiyahe na kahapon ang Philippine National Railways (PNR)-Sangandaan (Samson Road) sa Caloocan City patungong FTI Station sa Taguig, na bahagi ng proyektong pagpapalawak sa PNR Caloocan-Dela Rosa line.
Sa paskil ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang Facebook page, nabatid na walong tren, na may kapasidad na hanggang 850 pasahero ang bibiyahe sa nasabing ruta, at inaasahang makakapaghatid ng may 7,000 pasahero.Mananatili pa rin naman sa P15 ang kanilang minimum fare.
“The Philippine National Railways (PNR) opens today the PNR Sangandaan (Samson Road) in Caloocan City to FTI Station in Taguig extending its existing PNR Caloocan-Dela Rosa line,” anunsyo ng DOTr.
Matatandaang matapos ang may 20-taong pagsasara ay muling binuksan ng PNR ang Caloocan to Dela Rosa Makati line sa publiko noong Hulyo.
- Latest