MANILA, Philippines — Inilahad ni Datu Seri Anwar Ibrahim, dating Deputy Prime Minister ng Malaysia ang kanyang lubos na paghanga sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal at kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa ginanap na conforment of the degree sa Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM), sinabi ni Anwar na walang makapapantay sa kasaysayang ibinigay ni Rizal sa mga Filipino.
Aniya ang bawat likha nito ay tumitimo sa isipan ng mga Filipino at naging makatotohanan. Ipinakita ni Rizal ang kanyang pagnanais na maipamana sa mga kabataan ang nararapat upang ipalaban ang katotohanan.
Tulad ni Rizal, hindi rin nawala ang paghanga ni Anwar kay Estrada sa pagsasabing ibang klase itong mamuno maging buong bansa at ngayong alkalde ng Maynila.
Kinakitaan niya si Estrada ng ‘humility’ sa bawat Filipino partikular sa mga mahihirap at maliliit na mamamayan.
Hindi matatawaran ang malasakit at pagtulong ni Estrada sa kanyang mamamayan bagama’t may mga taong puro batikos lamang ang kayang gawin.
“To honor the man is not to bury his ashes but to rekindle his ashes,” dagdag pa ni Anwar.