Guilty plea inihain ni Jaybee Sebastian: De Lima idiniin
MANILA, Philippines — Naghain ng guilty plea ang drug convict na si Jaybee Sebastian sa ginawang arraignment sa kaso nito sa Department of Justice (DOJ) kahapon.
Sa arraignment kahapon, inamin ni Sebastian kasama ang kanyang abogado na kasabwat niya sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons sina Senador Leila De Lima, dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating staff ni Bucayu na si Wilfredo Elli, Ronnie Dayan, aide ni De Lima na si Joenel Sanchez at Jad De Vera.
Dakong alas-3 ng hapon nang magsimula ang arraignment sa DOJ sa harap ni Judge Lorna Navarro-Domingo ng Branch 206 ng Muntinlupa Regional Trial Court.
Walang alinlangan at kagatul-gatol si Sebastian sa pag-aming kasabwat niya ang anim sa pagpapasok ng iligal na droga sa NBP.
Ayon naman kay Fiscal Leilia Llanes ng panel of prosecution, ang paghahain ng ‘guilty plea’ ni Sebastian ay sa paglabag sa Section 26 o conspira-cy to Commit Drug Trade in Relation to Section 5 o RA9165.
Sinabi ni Llanes na tinanong muna ni Domingo si Sebastian sa maaaring kahinatnan ng kanyang pag-amin. Sumagot naman si Sebastian na malinaw sa kanya ang kanyang mga pahayag at pagbubunyag.
Nakatakda naman ang susunod na pagdinig sa Oktubre 2 sa NBP. Ihaharap ng panel of prosecution ang mga inmates na magpapatunay din na may transaksiyon ng droga na nagaganap noon.
Matatandaang nabun- yag ang drug trade sa NBP kung saan sinasabing pinanggalingan ng pondo para sa senatorial campaign ni De Lima noong 2016.
- Latest