Rookie cop natagpuang patay sa loob ng bahay
MANILA, Philippines — Isang tauhan ng pulisya ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City kamakalawa ng gabi at pinaniniwalaang posibleng nagbaril ito sa kanyang sarili.
Kinilala ito ng mga imbestigador na si PO1 Ronald Pintacasi, 36, na natagpuang patay ng kanyang kapatid sa loob ng silid nito sa kanilang bahay sa Brgy. Sta. Mesa Heights.
Ang naturang pulis ay nakadestino sa Manila Police District’s holding section.
Base sa inisyal na imbestigasyon, una umanong nag-alala ang kapatid ng nasawi dahil sa hindi ito sumasagot sa tawag at paulit-ulit na pagkatok sa silid.
Natagpuan sa tabi ng bangkay ng pulis ang isang .45 caliber pistol.
Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa baba tumagos sa kanyang ulo.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest