^

Metro

DILG sa brgy. officials: Problema sa baha, tutukan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG sa brgy. officials: Problema sa baha, tutukan
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na maging advocates ng kalikasan ang mga barangay officials at simulan ang pagprotekta sa kapaligiran at tamang solid waste management sa kani-kanilang barangay, upang maiwasan ang mga pagbabara sa mga imburnal at mga daluyang tubig, na siyang ugat ng baha.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Inatasan  ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga bagong upong barangay officials sa bansa na tumulong sa pamahalaan para malutas ang mga nararanasang problema ng pagbaha sa tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na maging advocates ng kalikasan ang mga barangay officials at simulan ang pagprotekta sa kapaligiran at tamang solid waste management sa kani-kanilang barangay, upang maiwasan ang mga pagbabara sa mga imburnal at mga daluyang tubig, na siyang ugat ng baha.

 “Be advocates for the environment. Protection of the environment and proper solid waste management practices should start in our barangays in order to prevent clogging of drainage systems which may lead to flooding,” ani Año.

 Aniya, matagal nang ‘nilulunod’ ng baha ang mga mamamayan na ang kadalasang dahilan ay ang kawalan ng matinong daluyan ng tubig dahil nababarahan ang mga ito ng basura. Gayunman, hindi pa naman aniya huli ang lahat at maaari pa itong solusyunan sa pamamagitan ng proper solid waste management.

 Nabatid na nagpalabas na rin ang DILG ng memorandum circular kaugnay sa Republic Act 9003 o ang Ecological and Solid Waste Management Act of 2000, na nag-aatas sa barangay officials para i-reorganisa ang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC).

 Ang naturang komite, na bubuuin ng barangay chairman bilang chairperson, ang inaasahang gagawa ng mga programa na consistent sa municipal o city plan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->