2 tanod timbog sa droga gamit ang patrol vehicle
MANILA, Philippines — Nadakip ang dalawang barangay tanod sa pagbili ng iligal na droga gamit pa ang patrol vehicle sa Munoz St., Malate, Maynila kamakala-wa ng hapon.
Sa ulat ni Senior Inspector Edwin Fuggan ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District-Station 9, isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs ang mga suspek na kinila-lang sina Abel Omugtong, 40- anyos, at Eugenio Salanova, 46, kapwa tanod ng Barangay 787, Zone 85, at residente ng Sta. Ana, Maynila.
Nagsagawa ng anti-cri-minality operations ang grupo ni Fuggan nang matiyempuhan ang dalawang dayo sa lugar na sakay ng barangay patrol vehicle habang hawak ang mga sachet ng shabu sa panulukan ng Muñoz at Ro-xas Sts., sa Malate alas 5:05 ng hapon nitong Miyerkules.
Arestado rin ang isang parking boy sa lugar na si Paul Villanueva, 45, na nahulihan din ng biniling iligal na droga.
Depensa umano ng mga tanod, may sideline silang trabaho bilang aircon technician kay gumagamit umano ng iligal na droga upang hindi antukin sa pagbabantay sa kanilang barangay.
Tatlong sachet ang nakumpiska sa mga suspek na may kabuuang halaga na P1,200. (Alliah Zain A. Delgado)
- Latest