617 inmates ng MCJ nagtapos ng ALS
MANILA, Philippines — Panibagong buhay ang naghihintay sa 617 bilanggong lalaki sa Manila City Jail makaraang sumailalim sa Alternative Learning System ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Deogracias Tapayan, malaking pagkakataon sa mga preso ang pagtatapos sa ALS dahil nangangahulugan lamang ito ng magandang kinabukasan sa kabila ng kanilang pagkakakulong. Kabilang sa ALS ng DepEd ang wellness o ang paghihilot at baking.
Dito itinuro ang tamang paghihilot at tamang paggawa ng mga tinapay at cakes. Sinaksihan naman ang simpleng graduation ng mga inmates ng kanilang mga pamilya. Layon ng naturang programa na magkaroon ng pagkakakitaan ang mga inmates sa oras na makalabas na ito at makabalik sa lipunan.
Related video:
- Latest