MANILA, Philippines — Mananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ito’y matapos na maglabas ng kautusan si Judge Silvino Pampilo Jr. ng Manila Regional Trial Court Branch 26 na sa NBI Detention Center manatili si Espinosa kung saan ito kasalukuyang nakapiit habang dinidinig ang drug case at illegal possession of firearms noong Agosto 17, 2018.
Una nang naglabas ng desisyon ang Korte Suprema ng paglilipat ng kaso sa Maynila mula Baybay, Leyte.
Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa Agosto 24.
Nahaharap din sa hiwalay na kasong conspiracy to commit illegal drug trading si Espinosa kasama ang Cebu-based businessman na si Peter Lim sa Makati Regional Trial Court.